kon's random trivia and facts
dahil hindi ako matinong tao, eto para may magawa ako sa kinagisnan ng buhay ko at kinupit ko ito kung saan ko ito kinupit!!
REETTSS SSTTAATTOOO!! *dingding*
> pangalawa ako sa magkakaptid
> isang minuto ang pagitan namin ng kakambal ko...
> ang unang e-mail address ko ay jemmating_zidane@yahoo.com nung 13 yrs. old ako at hanggang ngayon ay buhay pa rin siya...
> sumunod lang ang renasvalkuria@hotmail.com dahil kay tita ko na ang gamit ay hotmail at adik kami sa PSX na Valkyrie Profile...
> mag-kakonekta ang bahay namin sa bahay ng kapitbahay namin noon...
> dating hardware ang bahay namin...
> walang magandang bahay na naka-gitna sa bahay namin...gumanda lang siya dahil pinaganda lang ng kung sinong magpaganda!
> gawa sa kahoy ang gate namin...naging bakal siya nung grade 5 kami...
> magka-hiwalay dapat kami nung grade 5 kami ng kakambal nung nag-nervous breakdown ako...
> pinalo ako ni tita ng kutsilyo nung bata ako...
> pinapaluhod kami nung bata kami...
> pinitik ako ng nanay ko ng goma at may pasa ako sa kaliwang bahagi ng katawan ko...
> dati kaming naglalaro sa ulanan nung bata kami ngayon hindi na...
> ang mga papel ko nung grade 1 ay puro mga guhit ni Doc (di ko na maalala)
> na-feature kami nun sa Bata Batuta, kaming tatlo...
> naka punta na kami sa studio ng Bata Batuta dahil kay ate ko at doon namin nakilala ang Writer ng Bb. Bonita at Editor na si Ate Beth (with matching picture pa!)
> takot ako sa kidlat nung bata ako kaya nakatakip ang tenga ko ng mga cotton balls...
> nanay namin ang naglalaro ng NES...saludo~
> ang mga gamit namin nung grade 1 puro mga Power Rangers...
> grade 1 kami na-adik sa Power Rangers, Shaider, Maskman at Bioman...
> una kong ginuhit ay si Power Red...XD di ko ikinahihiya
> natuto kami gumuhit sa magaling naming Papa...
> nag-grade 2 kami sa US...
> ang una kong naka-away ay ang ate ko, binato niya ako ng mga clay pagkatapos naming mag-angalan...
> isang taon kaming nagtagal sa US...
> Laibcomsal Board ang naging una kong Forums na sinalihan...
> Chrono Trigger sa SNES ang pinaka-unang RPG na nilaro namin...
> Kinder 2 ako unang umiyak dahil akala ko di na darating si tita ko sa school para ihatid ang naiwan kong baunan...
> Suikoden 2 ang pinaka-aadikan namin nun sa PSX at dahil na rin kay Luc
> una akong nagka-crush kay J*****...tapos kay "tsinong kalbo"...
> natuto akong manghinuto nung grade 3...salamat tita...
> grade 4 kami tumigil mag-baunan...
> Boomerang 10 ang una naming Tamiya...
> si Ayumi Hamasaki ang unang Japanese Icon na dumating sa buhay ko dahil sa kanta niya sa Thousand Arms...
> Final Fantasy 7 ang unang laro na nakita ko na nag-mura...
> may problema ako sa sikmura kada umaga bago pumasok sa skul...
> Grade 6 ako unang na-late...
> natuto akong mag-mura nung first year dahil sa bading na iyon...
> ang una kong minura ay PI...
> sa Loading Magazine kami nakakita ng mga porn/hentai pics sa section ni Shambala Bolongongo...
> di ako marunong mag-YM/MSN noon...
> nang dahil sa Mario Paint, doon kami natuto mag-hapon...
> naging fan kami ng Ghostfighter nung grade 3...
> una kami naka-pag internet nung grumaduate kami sa grade 6...
> nanay at tatay namin ang "Jemma at Jessy" ng gaming community noon '80s...
> nahiwa ako nun ng blade dahil akala ko ay piraso siya ng bubong...
> kaliwa ang mga paa ko at sintunado akong kumanta...
> grade 6 ako unang nakatulog sa klase...
> naging sobrang tahimik kami nung second year dahil sa napag-bintangan kami nagdadal-dalan ng kapatid ko pero natutulog kami nun...
> akala ko noon na ang ibig sabihin ng "ambot sa imo" e "PI mo!"...hindi pala...
> nagpapanggap ako nun si Anemone/Fuu Hououji ng Mahou Kishin Rayearth nung pinalabas siya sa ABS...
> nagpapanggap ako nun si Power Red/Jason sa Power Rangers nung grade 1 ako...
> ang una naming Halloween Costume sa US ay ang Black/White na Ninja dahil sa Power Rangers...
kweh, dami na siguro nito...DDX till then, maidoari! *bang*
No comments:
Post a Comment